Saturday, September 20, 2008

Infairness

Minsan sa buhay nagkakamali din ang isang tao. Sadya man ito o hindi. Meron ding mga pagkakataong dahil sa kamaliang nagagawa mo eh, nadidiscover mo na may talento ka pala sa pagpapatawa, at maraming tao ang napasaya nito.

Ako ay naging biktima na rin ng isang pagkakamali, o dahil naging isang malaking engot lang ata ako ng mga oras na iyon.

Nagreport ako sa subject namin na society, di ko na matandaan kung tungkol saan yung nireport ko pero ang naalala ko talaga may nagtanong sa akin kung ano daw ang ibig sabihin ng "SHEEP", sinagot ko ang tanong niya at proud na proud ko pang isinagot sa kanya ang salitang "Edi, KAMBING!!".. Nagulat ako dahil lahat sila nagtawanan, pati ako natawa din ng malaman kong mali pala ang sinabi ko, dapat pala "tupa". Pati tuloy professor namin tinawanan ako. Napakalaking engot ko talaga nung mga oras na iyon, pero at least madami naman ako napaligaya. ;)

Hindi lang ako naging biktima, madalas isa ako sa mga napatawa't napahalakhak ng mga hindi sinasadyang pagkakamali.

Meron akong isang barkada, medyo may pagkabulol yun kapag sinusumpong. Recitation namin about tongue twisters, ang napili niyang tongue twister e ung "Kabilugan ng Buwan, Buwan ng Kabilugan". 10x ata pinaulit-ulit un sa kanya ng professor namin. Ang nakakatawa dun, imbes na "kabilugan ng buwan, buwan ng kabilugan ang dapat niyang sabihin, ang nasabi niya ay "kabilugan ng buwan, buwan ng kalibugan". Tawanan na naman ang lahat!!! hahaha. Marami na naman napasaya ang isang pagkakamali. Infairness, hindi naman malayo ang "kabilugan" sa "kalibugan" diba?!!. hahaha

Bakit kaya tayo likas na mababaw ang kaligayahan? At masyado tayong mapagpuna sa pagkakamali ng iba?? Hindi naman masama magkamali hindi ba?.

Hindi sa lahat ng bagay tama ang ating nagagawa, minsan kailangan din nating magkamali para matuto at matama kung anu man ang kamaliang ating nagawa. Nobody is PERFECT, ika nga.

No comments: