Friday, September 19, 2008

Bob Ong's AyosLines

Sino nga ba si Roberto Ong o mas kilala sa tawag na "Bob Ong"?

Siya ang manunulat ng mga librong "ABNKKBSNPLAko?!", "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?", Ang Paboritong Libro ni Hudas", "Alamat ng Gubat", "Stainless Longganisa", at "Macarthur".

Hindi ko pa siya nakikita, hindi ko din siya kilala ng lubusan, at hindi ko pa din siya nakakausap kahit saglit man lang, pero alam kong si "Bob Ong" ay isang taong intelihente at marunong sa buhay.

Bukas ang isip ni Bob Ong sa reyalidad ng buhay, kung tutuusin parang lahat ng mga maaaring mangyari sa buhay ay kanya ng napagdaanan. Nagsimula sa ganito, naging ganito, nakaranas ng ganyan, nakaahon sa ganyan. Nakakainggit, dahil parang alam niya ang sagot sa lahat ng problema at kanya itong agad nasosolusyunan.

Kung pagbabasehan mo ang mga librong kanya nang naisulat, para kang nagbabasa ng mga sermon sa'yo na palihim kang tinitira pero kaya mong tanggapin at alam mong para sa'yo talaga. Parang ang mga libro niya ang makakasagot sa mga katanungang matagal mo ng nais masolusyunan. Nakakatuwa, malungkot, mapagbiro at minsan nakakaloko ang mga libro niya ngunit talagang kapupulutan ng aral at masasabi mong hinding-hindi ka nagsayang ng pera sa pagbili nito.

Hindi lamang sa mga libro niya ako hanga, pati narin sa mga matatalinhaga niyang pagbuo ng mga salita. Kung ang iba words of wisdom ang tawag, ako "AyosLines". Ito ang tawag qo sa mga matatalinhagang linyang binibitiwan ni Bob Ong sa kanyang mga libro. Mga linyang akala mo ay parang wala lang, ngunit kapupulutan talaga ng aral.

Ito ang ilan lamang sa mga AyosLines na paborito ko buhat sa mga libro ni Bob Ong:


"Magbasa ka ng libro. Kung nabasa mo lahat ng libro ko, salamat. Pero kung makakabasa ka pa ng ibang libro bukod sa mga isinulat ko o mga ipinabili ng teacher mo, mas magaling. Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila.
Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. Ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan kung puno ka!. Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. Maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. At sabawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha."

- Stainless Longganisa



"Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.
Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko e ay walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

- Mang Justo sa Macarthur



"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling sitang magbreakdance.
Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

- Stainless Longganisa



"Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait,
sa marunong, hindi sa matalino, sa mahal ka, at di sa gusto ka."



Yan ang mga AyosLines na nairelate ko sa buhay ko. Mga linyang nagbigay ng aral sa akin kaya hanggang ngayon patuloy na nakatatak sa utak ko.

Dyan ako lubos na humanga kay Bob Ong, kahit na hindi ko alam kung mabait ba siya?, suplado?, masungit?, kuripot? at kung anu-anu pa.. hahahaha..

Roberto Ong, "Bob Ong", at kung anu-ano pang tawag nila sa inyo.


SIR sayo ako'y saludo!!

No comments: