Sunday, December 21, 2008

Jaymee Joaquin


Hindi ko idol si Ms. Jaymee Joaquin, hindi rin ako palaging nanonood ng show niya tuwing madaling-araw, pero nainspire niya ako na magpost tungkol sa mga taong walang ginawa kundi maghanap ng mga pagkakamali at maipipintas nila sa iba.

Games Uplate Live, kapag wala ng palabas sa tv, yan ang madalas na pampalipas oras ko lalo na pag walang pasok sa iskul kinabukasan. Si Jaymee Joaquin ang host ng GUL, maganda, sexy at kwela. Although paulit-ulit yung mga sinasabi niya sa mga viewers, at minsan nakakasawa na, go pa rin dahil part yun ng trabaho niya. Walang masama dun kasi hindi naman bastos ung mga sinasabi niya.

Ayon sa "To My Dear Detractors" title ng post niya sa kanyang blog, gumawa siya ng sulat sa mga taong naninira sa kanya at walang magandang ginawa kundi ang hanapan siya ng mga pagkakamali.

Hindi naman masamang magkamali, lalo na pag ang pagkakamali na yun ay nagbigay sa'yo ng matinding aral. Wala namang taong perpekto, maski si God nagkakamali din. Hindi tayo ginawa ni God na perpekto dahil para matuto tayo sa kahinaan at kalakasan ng bawat isang nilalang na nilikha Niya.

Sabi ko nga nung una, walang masama sa pagkakamali, lahat ng nilalang tao man o hindi ay nagkakamali din. Lahat ay may kanya-kanyang kakulangan, may kanya-kanyang kahinaan, may kanya-kanyang kalakasan at may kanya-kanyang natatanging katangian. Dapat naaapreciate natin ang mga kayang gawin ng iba na hindi naman natin kayang gawin at yung mga kaya naman nating gawin eh matuto tayong i-share sa iba para quits dba?.

Although minsan ang pagpuna sa kamalian ng iba ay nakakatulong din para mag-improve sila, meron din naman na kung magpuna e puro kamalian na lang ang kanilang nakikita at hindi na nila napapansin yung mga bagay na magaganda sa taong yun dahil nga puros kapintasan na lang ang nakikita nila. Para bang insecure sila sa taong yun at para sa kanila wala yung magandang ginawa. Ganito ata talaga sa mundo.

Hindi ko pinagtatanggol si Ms. Jaymee sa kanyang mga detractors, pero sana nakikita din nila yung mga good sides niya. Siguro nga part yun ng life niya in showbiz, bawat tuldok napupuna. Ganyan talaga kapag sumusikat.. hehehe.. lahat napupuna.

Monday, October 20, 2008

Byaheng Ewan

Sembreak na naman!!! Sa wakas makakatulog din ako ng dose oras. hahaha.. Kakambal din ng sembreak ang pagbabakasyon, merong mga nagpaplano para magswimming, meron din namang nagpupunta sa mga kamag-anak, kapinsanan, o kaya mga lolo at lola para bisitahin sila at isa na ako doon.

Nais kong ibahagi sa inyo yung mga di' inaasahang eksena na nasaksihan ko (at minsan ako pa ang bida sa eksena) habang kami ay nagbabyahe. Pasok eksena..

Gabi na ng umalis ako at ang aking pinsan papuntang Carmona para bisitahin ang aking lola. Bago kami umalis, nagbilin sa'min yung tatay ko na..

TATAY: "Jen-jen, huwag kayo umalis ng gabi kasi mahihirapan kayong sumakay, mahaba ang pila sa terminal ng bus kasi uwian ngayon"

Pero di ako nakinig, umalis parin kami ng gabi, masarap kaya magbyahe ng gabi. Papunta ng bus terminal kailangan muna naming sumakay ng dalawang dyip, isang byaheng Taft at isang byaheng Buendia LRT.

Dyip Part 1 [Byaheng Buendia LRT]

Matagal din kaming naghintay ng dyip na masasakyan. Halos lahat kasi ng dyip kundi puno e ibang ruta naman ang tinatahak. Kinse minutos din kaming naghintay. Sa wakas nakasakay din kami, isang dyip na super duper luwang ang inihulog sa amin ng langit. Kami ng pinsan ko ang unang nakasakay, sumunod ang isang mag-syota, isang matandang lalaki, isang dalaga at 12 kabataan na mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan at aakalain mong mga holdaper na ewan. Hindi ko alam ang aking naramdaman sa pagsakay nila sa dyip, halong kaba at takot na baka may gawin silang hindi kagandahan. Lalo pang nadagdagan ang aking takot dahil bumaba ng hindi inaasahan ang mag-syota, sumunod yung matandang lalaki at yung dalaga. Ako, ang pinsan ko, yung drayber at 12 na kabataan na lang ang natira sa dyip. Katakot. Parang gusto ko na ring bumaba kahit na wala pa kami sa destinasyon namin sa takot na baka nga may gawin sila. Kung titingnan mo kasi yung mga itsura nila, para silang yung mga snatcher na pinapakita sa tv kapag nasasakote. Kung magkataon, wala kaming laban ng pinsan ko dahil parehas kaming babae. Napanatag lang ang loob ko nang makababa na kami ng dyip at sa wakas nasa terminal na kami.

Terminal ng Bus [Buendia LRT]

Akala ko makakasakay na kami agad ng bus pero nagkamali ako. hehe. Bumungad sa amin ang mga napakahabang pila sa terminal. Iba't-ibang pila ang makikita mo doon, may pila na diretso at may pila na paikot. Malas lang namin dahil dun kami sa pilang pagkahaba-haba. Nag flashback tuloy sa akin yung sinabi ng tatay ko...

TATAY: "Jen-jen, huwag kayo umalis ng gabi kasi mahihirapan kayong sumakay, mahaba ang pila sa terminal ng bus kasi uwian ngayon"

Wala kaming nagawa kundi maghintay ulet. Inisip ko na lang na mas swerte pa rin kaming mga nakapila sa byaheng BIÑAN kasi mas doble ang haba ng pila sa byaheng BALIBAGO. (kawawa naman sila) Kapag may dumadating naman na bus, hindi naman magkamayaw ang mga tao. Parang may dumadating na sikat na personalidad sa tuwing may dadating na bus at iba't-ibang komento din ang narinig ko sa mga tao.

Comment#1: Hay, salamat, nandyan na ang bus.
Comment#2: Naman 48 yrs.
Comment#3: Ayan na yung bus, sa wakas.
Comment#4: Tabi-tabi baka masagi kayo.
Comment#5: Anung bus yan? Biñan na ba yan?.

Nakasakay din kami sa ikatlong bus na dumating. yehey!

Sa loob ng Bus [Byaheng Biñan]

Wala naman masyadong eksena ang aking nasaksihan, maliban na lang sa dalawang malilit na ipis ang gumagapang sa bintana ng aircon na bus. (Halos karamihan ata ng aircon bus e meron nyan)
___________________________________________________________________

Pauwi

Kailangan ko umuwi ng Maynila kasi kailangan ko mag-enrol. hehe. Para makauwi, dapat akong sumakay ng isang tricycle, isang dyip na byaheng Alabang, bus na byaheng Lawton at isang dyip ulet papunta sa bahay namin.

Sa loob ng Bus [Byaheng Lawton]

Naghihintay ng pasahero ang bus na nasakyan namin. Kaunti na lang at malapit ng mapuno ang bus. Habang naghihintay, isang maaksyong eksena na ang sumunod..

**Start

Trapik Enporser: Abante na. Abala kayo e.

Manong Drayber: Aalis na.

(Sabay abante, tapos hinto ulet dahil may sumakay na pasahero)

Trapik Enporser: Sabing abante na e. Gusto niyo abalahin ko kayo?

(Walang sinabi si manong drayber, umabante ng konti)

Trapik Enporser: Ano? Aabalahin ko talaga kayo, mga p******** talaga kayo. Abante.

(Sinusundan talaga ni T.E si M.D, ang lupet. Motor laban sa Bus. haha)

Manong Drayber: Nagbabayad kami dito tapos pipilitin niyo kami paalisin. Mga g***.

Trapik Enporser: E g***, doon kayo nagbabayad, doon kayo magreklamo.

(Nagkasagutan na ang dalawa, ang lupet talaga)

Manong Drayber: Dito ka sa gitna humarang para makita natin ang tapang mo.

(Daldal ng daldal si T.E., pero takot namang humarang sa gitna. Takot atang masagasaan. hehehe.. comedy)

Manong Drayber: Dito ka nga. Halika dito sa gitna.

(Kinuha na ni T.E yung walkie-talkie niya. Tinimbrehan siguro ung ibang kasama. Naghagilap ng kadamay?? hehe)

Manong Konduktor: Abante na, puno na tayo.

(Sa wakas umabante na din ng tuluyan ang bus, pero meron na palang naka-abang na isa pang T.E sa dulo)

Trapik Enporser2: Tarantado ka ah.

(Sabay ambang na babatuhin ng malaking bato si M.D. Si M.D at M.K wala ng pakialam. hehe)

Manong Drayber: Mga g***, matatapang lang kayo kasi nakauniporme kayo.

**End

Ang lupet!!!! parang eksena talaga sa pelikula ang nasaksihan ko. Astig si manong drayber kasi lumalaban sa mga abusong trapik enporser. Hindi nagpapaapi. hehe. Tama naman siya eh, yung ibang mga pulis at trapik enporser e ginagamit lang nila yung uniporme nila para mangotong at katakutan sila. Astig talaga si manong drayber.

Dyip Part 2 [Byaheng Bayan-Beata]

Eto na ata ang pinaka-ayaw kong eksena. (di dahil sa ako ang bida.. hehe) Madalas akong umupo sa gilid ng dyip, malapit sa labasan para madaling makababa. Pito palang kaming nakasakay, sabog-sabog kami, may katabi ako, yung isa malapit kay manong drayber, yung iba naman nasa gitna. labo-labo. Nagbayad ako.

**Start

Ako: Bayad po.

(Walang pumansin sa akin, parang walang nakarinig)

Ako ulet: Manong bayad po, PAKI-abot naman po yung bayad.

Aling Ewan na Bruha: Walang mag-aabot ng bayad mo.

(Sabi ba naman ng halos katabi ko. grrrrr.)

**End


Sa isip-isip ko, "Bakit wala po ba kayong kamay para iabot ang bayad ko." Magkalapit lang naman kami ng upuan, at malapit lang din naman siya sa aabutan niya ng bayad ko. Tiningnan siya ng iba pang mga pasahero, marahil nainis din sila dun sa aling bruha. Masyado naman kasi siya, e kung hindi din kaya iabot ang bayad niya?? ano kaya ang mararamdaman niya??. Kainis talaga.

Mabuti na lang at iniabot ni kuya ang bayad ko, kung sino pa yung nasa dulo siya pa ang nag-abot.

Eksenang D' Best

Bababa na si Aling Ewan na Bruha. "PARA!!" Hindi narinig ni manong drayber. "PARA HO". Hindi parin narinig, at ayaw magsabi ng ibang pasahero na merong bababa, mas lalo na ako, bahala kang hindi makababa. hehe. "PARA!!!!!!!!" Sabay stop. hehe, sa wakas narinig siya ng drayber. Super layo naman ng binabaan niya sa dapat niyang babaan, buti nga. Maglakad ka ulet.

Bilis talaga ng KARMA!! Digital. hehehe..

Wednesday, September 24, 2008

Pagbubunyag

Ikaw. Oo ikaw.

Ikaw lang naman ang tinutukoy ko. Ang taong bumuo ulit ng puso ko. Ang dahilan kung bakit masaya ako. Ang dahilan kung bakit nakakangiti ako sa kabila ng problema. Hindi ko mapigilan ang saya sa tuwing kausap ka. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang aking naramdaman. Iba na ba to' o talagang paghanga lang.

Pero parang nananadya talaga ang tadhana. Hindi talaga umaayon sa akin ang kapalaran. Ayaw niya talaga akong maging masaya.

Siguro nga dapat nung una palang hindi ko na sinanay ang sarili ko na nandyan ka, na palagi kong nakakausap at nakakasama. Dapat noong una palang, naisip ko na hindi ka pala sa akin at sayo'y may nagmamay-ari na.

Napakatanga ko talaga. Kahit kailan hindi ako nag-iisip ng tama. Kahit kailan hindi ko naisip na kaibigan lang pala kita.

Hindi ko inaakala na kung sino ang bumuo ulit na aking puso ay siya ring magwawasak nito. Isang malaking kahibangan ko lang pala ng lahat ng iyon. Nagkamali ako.

Ayaw ko na sanang ilathala pa ito, kaso sobrang nahihirapan na ako. Hindi ko kasi masabi kahit kanino. Marahil sa paraang ito, maiibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Oo tanggap ko na, hindi ako ang tinitibok ng puso mo, at kahit kelan hinding-hindi mo magagawang mahalin ako. Alam ko na ngayon na kaibigan lang talaga ako sa'yo, kahit kailan kaibigan lang talaga ang tingin mo at imposibleng maging tayo.

Sino ba naman ako sa'yo? Sino nga bang pipili sa tulad ko?

Mas maigi na ring ganito, unti-unti ko nang tanggap na imposible talagang mangyari ang gusto ko. Oo nasaktan ako sa kahibangan ko, kahibangang dapat sa una palang ay itinigil ko.

Siguro matatamaan ka nito, ikaw naman kasi talaga ang tinutukoy ko, manhid ka kung hindi mo mararamdaman ang bawat linyang binibitawan ko.

Balang araw makakatagpo din ako ng tulad mo. Balang araw magiging maligaya din ako. Balang araw makakasama ko din ang hinahanap ko.

Makikita mo.

- sulat ng isang nagdadalamhati


Bawal ang Tumawa


Seryoso kaming lahat noh?.

Misteryosong Kendi

Buuuuuuuttttttttttteeeeeeeerrrrrrrrrr Baaaaaaaaaaaalllllllll!!!!!!!!!!!!!!

Yan ang kendi ko, kendi ng klasmeyts ko, kendi ng tatay ko, kendi ng barkada ko, kendi ng lahat!!
Peter's Butter Ball,, ang pinag-aagawang kendi. Masarap, hindi maanghang. Matamis at lasang butter. (malamang butter ball nga eh.) At mabango sa bibig. (fresh na fresh, kahit wag kana magsipilyo)

Eto ang madalas kong bilhin (pati ang nanay ko) sa mga tindahan. Medyo mataas ang presyo sa tindahan kumpara kung sa grocery ka bibili (subok na, mas mura talaga.)

Balik sa Peter's Butter Ball..

Bakit nga ba Peter's Butter Ball?? Sino ba si Peter?? (sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit.) Baka, siya yung nagimbento ng recipe ng kendi??, o nag-isip ng neym na butter ball at idinagdag na lang ang pangalan niya? o kaya si peter ang inspirasyon nung gumawa. (ang hirap manghula)..

Sabi ko nga nung una, masarap at mura ang kendi na ito. (nag-advertise??)
Masarap, dahil parang ang lahat ay nahuhumaling dito.
Mura, dahil sa isang pack e nagkakahala lamang ito ng 20+ (20+, dahil iba-iba naman ang presyo ng grocery diba?) at naglalaman ito ng 50 pirasong bilog na kendi.

Pero alam niyo ba na medyo misteryoso ang plastic ng butter ball.. (yung pangmaramihan ha, di mo yun makikita sa balat ng kendi kung bibili ka ng tingi lang) Meron kasing nakadrawing sa plastic ng Peter's Butter Ball na parang ELF. Siguro siya si Peter?. Mapapaisip ka talaga kung bakit elf ang nakalagay dun. Bakit nga ba? Hala!!!!

Sunday, September 21, 2008

Uso

Yan naba ang uso ngayon??

Nakita ko lang yan sa kapatid ko.
Una kong reaksyon..
"Ano ba yan parang tanga! Salamin ba yan?".
Sagot naman ng kapatid ko..
"Ate, yan ang uso! Soulja boy to."

Hala, hindi ko na talaga maintindihan kung anu na ang nangyayari sa mundo!!!!
Nakakatawa talaga..

Sinuot ko, naku parang ang nakita ko lang puro linya, halos di ko na makita ang nilalakaran ko. Pamorma lang naman ata. Di ko lubos maisip, nauuso pala ang mga ganitong bagay.

Kapag dumadaan naman ako sa bangketa sa may pedro gil, nakakakita ako ng mga nagtitinda ng salamin na yan. Hindi ko alam kung mabenta ba yan ngayon o matumal ang bentahan, pero sa palagay ko, muka namang mabili.

Anu bang nakikita nila sa salamin na yan? Maganda ba yan? Kasi para sa akin hindi. hahaha, ang sagwa! parang engot (wag sana magalit sa akin yung mga gumagamit nyan.. hahaha)

May Isip Pala Ako

Naisip ko lang..

1. Bakit mabilis humaba ang kuko sa kamay kaysa sa paa?
        -->hindi ba pwedeng sabay??

2. Bakit kapag madali lang gawin ang isang bagay e palagi nalang nating sinasabi na "sisiw lang yan" o kaya "maning-mani lang yan"?
        -->hindi ba pwedeng bibe o kaya pasas?

3. Bakit ang ibang tao takot na takot sa ipis o kaya sa daga?
        -->e di hamak na mas malaki naman ang tao sa kanila??

4. Bakit mas mahaba ang oras kapag papunta kaysa sa pabalik?
        -->medyo nakakapagtaka no??

5. Bakit sa gabi nagtitinda ang mga magbabalot?
        -->hindi ba pwede sa umaga, sa tanghali o kaya sa hapon??

6. Bakit karamihan sa pelikula at telenobelang pilipino, kapag namamatay ang bida e nabubuhay naman ulet?
        -->bakit nga ba??

7. Bakit ang ibang jeepney driver kapag magbabayad ka ng 10 pesos tatanungin kapa kung ilan yon?
        -->helow? 8.50 na kaya ang pamasahe ngayon??

8. Bakit kapag sumasagot tayo ng phone madalas ang laging sagot natin e "hello"?
        -->pwede naman "hi".

9. Bakit sa iskul namin palagi na lang iniinspection ang bag namin, may kasama pang kapkap. Samantalang ang mga professors at nakasasakyan e hindi man lang iniinspection, pinagbubuksan pa sila ng gate.
        -->sabagay, mayaman sila at ako'y mahirap lang.

10. Bakit kapag pinapagalitan tayo ng mga nanay natin, nauungkat pa yung mga dati nating kasalanan?
        -->ang mga nanay nga naman.

11. Bakit kapag tinatanong tayo "paano mo ginawa yan?" madalas ang sagot natin "madali lang yan!"?
        -->parang may kilala akong ganyan?? haha.

12. Bakit kapag natatalo ang isang kandidato, madalas na sinasabi nila "nadaya ako!"?
        -->hindi ba sila marunong tumanggap ng pagkatalo??

13. Bakit ang lahat ng tv stations, sinasabi nila na no.1 sila?
        -->e diba sunod sa 1 e 2?? sino ba talaga ang no.1??

14. Bakit ang mga sobrang yaman na tao e kakapiranggot lang kung kumain?
        -->dapat nga sandamukal ang pagkain nila dahil marami silang pambili.

15. Bakit masarap ang bawal?
        -->di ko rin alam eh.

16. Bakit kapag kaunti lang ang kinakain mo madalas na sabihin nila sa'yo "diet ka??"?
        -->sa akin kaya kelan nila sasabihin yon?? hahaha.

17. Bakit kapag umuulan e madalas nagagalit ang mga tao, pero kapag wala namang ulan at maiinit ang panahon hinahanap-hanap natin ang ulan?
        -->pasaway talaga ang mga tao no??

18. Bakit mas madali ang pagsisinungaling kaysa sa pagsasabi ng totoo?
        -->no comment!! haha.

19. Bakit ang LRT1 hiwalay ang babae at lalake, samantalang sa LRT2 eh hindi naman?
        -->based on experience.. haha

20. Bakit kapag may problema tayong mahirap masolusyunan e palaging si GOD ang tinatawag natin? samantalang kapag masaya tayo, at may mga bagay na pinagtagumpayan e hindi natin siya magawang mapasalamatan??
        -->tsk.tsk.tsk. sori po.

Langgam



http://www.wallpapervortex.com/wallpaper-20520-miscellaneous_hard_working_ants_wallpaper.html#.UunqQz2SzU8

Habang naghihintay ako ng gagawin, nakita ko ang mga langgam, busy silang lahat kaya hindi ko na sila inistorbo pero may napansin ako..

1.Mayroon silang pila na sinusunod at hindi uso sa kanila ang singitan.

2.Nagtutulungan sila lalo na kung ang isa nilang kasama ay nahihirapang magbuhat.

3.Hindi uso sa kanila ang salitang "bakaw".

4.Parang nagbabatian at nagkakamustahan sila kapag nakakasalubong nila ang mga kapwa langgam.

5.Walang kapaguran, lalo na sa paghahanap ng kanilang mga makakain.

Dapat siguro tularan natin sila sa ganyang mga gawain, ngunit huwag lang pangangagat ang ating gawin. hahaha.



Saturday, September 20, 2008

Monitor

Sa hinaba-haba ng pagsasama namin mukang sa junk shop din ata ang tuloy.

Bakit ngayon ka pa nagloko? Bakit?

2nd year highskul ako ng ibili ako ni papa ng isang komplit set ng personal computer, (pc in short). Halos araw-araw, wala akong ibang kaharap kundi ang monitor (hanggang ngaung gnagawa ko to kaharap ko cia,, smile!!) kulang nalang magkapalitan na kami ng mukha. Halos kalahating araw ko siyang kaharap. Minsan kasi kapag wala akong kasama sa bahay, madalas ang ka bonding ko e ung pc at ung sofa namin. Lagi kasi akong naiiwan sa bahay (inday??), d rin naman kasi ako masyadong mahilig gumala, lalo na kung iisang lugar din ang pupuntahan. Kaumay.

Di nagtagal, parang nakikita ko na nanghihina na siya (ang monitor ko). 4th year college na ako ngayon, halos 6 na taon na kaming nagsasama, medyo matagal na din un no. Ngayon, unti-unti ko nang dinadampi ang aking kamay sa kanya (haplos ng pagmamahal). Minsan kapag medyo makulet, napapalakas ang dampi ng mga kamay ko sa kanya dahil may kasama ng pagkainis yun. hahaha.

"Bakit ngayon ka pa nagloko? Bakit?" (sabay pukpok sa monitor) yan ang dialog ko kapag tinotopak siya. Minsan may kasama pa yung "Kung kelan kita kailangan saka ka naman masisira!!!" may kasama pang tulo ng luha yun ah. Infairness, effective naman ang mga dialog ko sa kanya. Parang tao na naaabsorb ang bawat linyang binibitiwan ko. Effective, dahil gumagaling ang sakit niya.

Pero ngayon parang malala na, hindi na gumagana ang mga hampas na ginagawa ko sa kanya, manhid na siguro. Hindi narin gumagana yung mga nakakaantig kong linya, parang balewala na. Marahil, gusto niya na rin magpahinga. Pagod na pagod na siguro siya sa mga araw-araw na hampasan naming dalawa, ang swit namin no.

Dadating ang araw, na iiwan niya rin ako, pero sana may kapalit agad. Hindi ko naman kalilimutan yung mga pinagsamahan naming dalawa. Hindi ko yun magagawa sa kanya. at tsaka isa na ata siya sa pinakamalapit sa puso ko. (ang drama?)

Hindi naman gaanong kalala ang sakit niya. "HEPA" lang nman, hepa na may kasamang komplikasyon. Mga komplikasyong lalong nagpalala sa sakit niya. haaay.. sayonara..

Filipino Time

Haay,, kelan ba talaga maaalis sa ating mga Pilipino ang pagiging late?? Kapag 8 o'clock ang usapan, 9 or 10 na dadating, tama ba naman yun??

Bakit ba may mga taong late palagi? At pare-parehas pa ang mga naririnig kong dahilan sa kanila, kung hindi traffic, hindi nagising ng maaga o kaya naman hindi nag-alarm yung alarm clock. Naman!! wala na bang ibang dahilan??!!

Bakit ba nasasanay tayo sa ganitong gawa? Hindi ba tayo nahihiya sa mga kasama natin na on-time kung dumating sa oras ng usapan?? haay, ang mga pinoy nga naman. Paano ba tayo uunlad kung ang disiplina sa oras eh hindi natin magawa, kung tutuusin hindi naman yun malaking bagay diba?? Hindi naman napakahirap gumising ng maaga diba?? Yung iba nga nagagawang gumising ng maaga at hindi nagiging late kapag may usapan na oras, bakit yung iba hindi magawa??. Pare-parehas lang naman tayong lahat, natutulog, kumakain, naglalaro, nagbabasa, bakit ang isang simpleng bagay eh hindi natin magawa?

Maswerte yung ibang mga nalelate kasi nakakapag-hintay yung iba nilang kasama, e paano kung nagkataong merong ibang kasama na mainipin at ayaw ng pinaghihintay?? edi magkakaroon pa ng isang malaking giyera!!!

At eto pa, paano kung malate ka sa isang importanteng pangyayari sa buhay mo na hindi na maaaring maulit at balikan sa simula or hindi na pwedeng i-rewind? Edi nawalan ka ng isang mahalagang pangyayari sa buhay mo?

Naisip ko lang, bakit yung mga taong laging late e sila din yung mga taong ayaw ng pinaghihintay sila?? Tama ba??

Hindi ko naman sinasabing hindi ako nalelate, minsan nagiging late din ako, pero minsan lang tlga. Iba na kasi yung nakakagawiang maging late, ang panget. Ok lng sana kung mga 5 to 15 minutes kang late, e papaano kung 30 minutes above?? haay, kainip. Dapat hindi tayo masanay sa pagiging late, sanayin natin ang ating mga sarili na tumupad sa anumang oras na napagkasunduan.

Infairness

Minsan sa buhay nagkakamali din ang isang tao. Sadya man ito o hindi. Meron ding mga pagkakataong dahil sa kamaliang nagagawa mo eh, nadidiscover mo na may talento ka pala sa pagpapatawa, at maraming tao ang napasaya nito.

Ako ay naging biktima na rin ng isang pagkakamali, o dahil naging isang malaking engot lang ata ako ng mga oras na iyon.

Nagreport ako sa subject namin na society, di ko na matandaan kung tungkol saan yung nireport ko pero ang naalala ko talaga may nagtanong sa akin kung ano daw ang ibig sabihin ng "SHEEP", sinagot ko ang tanong niya at proud na proud ko pang isinagot sa kanya ang salitang "Edi, KAMBING!!".. Nagulat ako dahil lahat sila nagtawanan, pati ako natawa din ng malaman kong mali pala ang sinabi ko, dapat pala "tupa". Pati tuloy professor namin tinawanan ako. Napakalaking engot ko talaga nung mga oras na iyon, pero at least madami naman ako napaligaya. ;)

Hindi lang ako naging biktima, madalas isa ako sa mga napatawa't napahalakhak ng mga hindi sinasadyang pagkakamali.

Meron akong isang barkada, medyo may pagkabulol yun kapag sinusumpong. Recitation namin about tongue twisters, ang napili niyang tongue twister e ung "Kabilugan ng Buwan, Buwan ng Kabilugan". 10x ata pinaulit-ulit un sa kanya ng professor namin. Ang nakakatawa dun, imbes na "kabilugan ng buwan, buwan ng kabilugan ang dapat niyang sabihin, ang nasabi niya ay "kabilugan ng buwan, buwan ng kalibugan". Tawanan na naman ang lahat!!! hahaha. Marami na naman napasaya ang isang pagkakamali. Infairness, hindi naman malayo ang "kabilugan" sa "kalibugan" diba?!!. hahaha

Bakit kaya tayo likas na mababaw ang kaligayahan? At masyado tayong mapagpuna sa pagkakamali ng iba?? Hindi naman masama magkamali hindi ba?.

Hindi sa lahat ng bagay tama ang ating nagagawa, minsan kailangan din nating magkamali para matuto at matama kung anu man ang kamaliang ating nagawa. Nobody is PERFECT, ika nga.

Friday, September 19, 2008

Bob Ong's AyosLines

Sino nga ba si Roberto Ong o mas kilala sa tawag na "Bob Ong"?

Siya ang manunulat ng mga librong "ABNKKBSNPLAko?!", "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?", Ang Paboritong Libro ni Hudas", "Alamat ng Gubat", "Stainless Longganisa", at "Macarthur".

Hindi ko pa siya nakikita, hindi ko din siya kilala ng lubusan, at hindi ko pa din siya nakakausap kahit saglit man lang, pero alam kong si "Bob Ong" ay isang taong intelihente at marunong sa buhay.

Bukas ang isip ni Bob Ong sa reyalidad ng buhay, kung tutuusin parang lahat ng mga maaaring mangyari sa buhay ay kanya ng napagdaanan. Nagsimula sa ganito, naging ganito, nakaranas ng ganyan, nakaahon sa ganyan. Nakakainggit, dahil parang alam niya ang sagot sa lahat ng problema at kanya itong agad nasosolusyunan.

Kung pagbabasehan mo ang mga librong kanya nang naisulat, para kang nagbabasa ng mga sermon sa'yo na palihim kang tinitira pero kaya mong tanggapin at alam mong para sa'yo talaga. Parang ang mga libro niya ang makakasagot sa mga katanungang matagal mo ng nais masolusyunan. Nakakatuwa, malungkot, mapagbiro at minsan nakakaloko ang mga libro niya ngunit talagang kapupulutan ng aral at masasabi mong hinding-hindi ka nagsayang ng pera sa pagbili nito.

Hindi lamang sa mga libro niya ako hanga, pati narin sa mga matatalinhaga niyang pagbuo ng mga salita. Kung ang iba words of wisdom ang tawag, ako "AyosLines". Ito ang tawag qo sa mga matatalinhagang linyang binibitiwan ni Bob Ong sa kanyang mga libro. Mga linyang akala mo ay parang wala lang, ngunit kapupulutan talaga ng aral.

Ito ang ilan lamang sa mga AyosLines na paborito ko buhat sa mga libro ni Bob Ong:


"Magbasa ka ng libro. Kung nabasa mo lahat ng libro ko, salamat. Pero kung makakabasa ka pa ng ibang libro bukod sa mga isinulat ko o mga ipinabili ng teacher mo, mas magaling. Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila.
Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. Ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan kung puno ka!. Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. Maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. At sabawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha."

- Stainless Longganisa



"Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.
Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko e ay walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

- Mang Justo sa Macarthur



"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling sitang magbreakdance.
Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

- Stainless Longganisa



"Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait,
sa marunong, hindi sa matalino, sa mahal ka, at di sa gusto ka."



Yan ang mga AyosLines na nairelate ko sa buhay ko. Mga linyang nagbigay ng aral sa akin kaya hanggang ngayon patuloy na nakatatak sa utak ko.

Dyan ako lubos na humanga kay Bob Ong, kahit na hindi ko alam kung mabait ba siya?, suplado?, masungit?, kuripot? at kung anu-anu pa.. hahahaha..

Roberto Ong, "Bob Ong", at kung anu-ano pang tawag nila sa inyo.


SIR sayo ako'y saludo!!