Friday, September 18, 2015

I Write. #Wattpad

"If you wish to be a writer, write."

Please do read my short stories in Wattpad.






















My Journey to Love is my first ever story published in Wattpad. This is a not so typical life and love story of a girl named Jen and her Journey to Love.

Here's the link: https://www.wattpad.com/myworks/37291054-my-journey-to-love



Two Weeks naman is my second story, it's not yet finish but malapit na. :D 

This is about Alexa, a woman with a broken heart. She went on a vacation for Two Weeks to find herself but someone came unexpected.

Here's the link:https://www.wattpad.com/myworks/41719613-two-weeks

Enjoy reading and thanks in advance! :D

Monday, January 27, 2014

It's all about Withholding TAX

What is withholding TAX on compensation?

As per BIR, Withholding tax on compensation is the tax withheld from income payments to individuals arising from an employer - employee relationship.

Who are required to File?

Every registered withholding agent on compensation, which includes, but not limited to to the following:

1.) Individuals engaged in business or practice of profession with employees subject to income tax.

2.) All Juridical persons (e.g Corporations, general partnerships, associations, etc.), whether or not engaged in business.

3.) Government Agencies and Instrumentalities (e.g, NGAs, GOCCs, etc.), including local government units (LGUs).

Anyways, here's a link on how to determine your withholding taxes.

This BIR Withhholding TAX Calculator is free to use. This was develop in order to aid employees for their BIR Withholding tax computation needs. And also para makita din natin kung tama ang kaltas ng mga employers natin! :D

http://birtaxcalculator.com/calculators/bir_withholding_tax_computation_2009




Giant Rocking Year of the HORSE

2014 is the Year of the Wooden Horse! And i'm a SNAKE (1989). 

SNAKES in the Year of the Horse

       The career luck, money luck and people relationship will be good. Year of the HORSE is the time to re-boot your life.

CAREER
        
        Your hardship, discipline and cultivation from the previous year will bring you good results this year. 2014 is Wooden Horse year. Wood is related to Snake's education and intelligence. Snake people will become much smarter. Since your people relationship will be good, a career promotion is possible. Also, the Salary Star appears in 2014, your pay is not only stable, the salary raise will come.

MONEY
        
        Snake people have slow income last year. In 2014, Snake has a very good career luck. The career position brings people the fixed and stable income. They also have clear mind and creative idea in the Year of the Horse. They can start a new project or new investment to pursuit their wealth in 2014. Since Salary Star comes toward you, you can try on any job opportunity for better pay, In short, you must earn money from your wisdom. To gamble a risky investment without using brain is still danger.

LOVE
        
        Horse and Snake have attraction relationship because of FIRE. Also, Horse brings a Romantic Star to Snake people in 2014. Therefore, the love relationship of Snake people must be great this year. If you are single, it's time to join the social activities to find your companion. If you are in love, then your love relationship will be sweeter. You should think about deeper relationship. If you are married, then you will have a wonderful marriage life in 2014.


HEALTH
        
        There is a slight illness sign showing in 2014. That shouldn't create a big issue. As long as Snake people have good habit of enough sleep, right eating, proper exercise and good sanitation in your daily life, they will recover their health quickly when illness occurs. Senior people should avoid to plan for a long-distance travel during summer.

To know more about your overall luck, take a quick look here:

http://www.chinesefortunecalendar.com/2014/2014Snake.htm

             

Friday, January 15, 2010

In.fer.no


Sabi nga nila manakawan kana wag ka lang masunugan.

January 13, 2010 mag - alas sais na ng gabi ng tumawag si mama sa amin.


May sunog daw sa lugar namin sa Paco, Manila, sobrang laki daw ng sunog at nahihirapan ang bumbero na imanipula ang apoy. Kinabahan kami ng tatay ko dahil nasa Cavite kami at wala sa bahay sa Manila, kapatid ko lang ang naghakot ng mga gamit na maaari pang madala at mapakinabangan. Agad kaming bumiyahe ni papa para kung sakaling baka meron pa kaming maisalba.



Pagdating namin sa may Philippine Columbian, hirap na kaming ipasok ang sasakyan dahil sobrang trapik at punong-puno ng bumbero ang daanan. Pinarada na lang namin sa tabi ang sasakyan at hinanap namin sila mama at yung dalawa ko pang naiwan na kapatid. Nakita namin sila na nasa tabi na ng kalsada kasama ang mga gamit na naisalba. 2 tangke ng gas, tv sa kwarto, electricfan, pc, mga damit at mga importanteng papeles ang tanging nakuha sa bahay.

Habang naghihintay na tuluyan ng matigil ang apoy, nakita ko rin yung mga classmates ko nung highschool na katulad namin ay nasunugan din. Sa halos 2 oras na paghihintay sa tabi ng kalsada, tuluyan ng humupa ang apoy pati ang bahay namin. Nagsibalikan narin ang ilan sa kanilang bahay na hindi naman nadamay ng apoy.

Hinintay namin na magliwanag para makita ang kabuuan ng pinsala ng sunog.
Halos manlumo kami sa nakita namin, wala na talaga as in.

Wala na talaga.
Yung bahay at mga gamit na pinaghirapan buuin naging uling lahat.

Masakit sobra, parang namatayan kami ulit.
Kakapasok lang ng taon pero ganito agad ang sumalubong sa amin.
Ubos lahat at walang tinira. Madamot.
Yung mga gamit na iningatan wala na. Wala na talaga.

Naaawa ako sa mga magulang ko dahil kung ako naiyak at nasaktan sa pagkawala ng lahat alam ko sa kanila hindi lang doble o triple ang tama, maaaring higit pa. Naubos lahat ng pinaghirapan nila. Sa pagkakamali ng iba pati ang karamihan nadamay.

Hindi ko lubos maisip na magiging ganito lahat.
Pagkatapos mawala ng lola ko, sumunod naman ang bahay namin.
Malungkot sobra pero wala nang magagawa, nangyari na.

Iniisip ko na lang na maswerte parin kami kasi walang nasaktan sa amin at may mga taong tumutulong sa amin at binibigyan parin kami ng lakas ng loob para magsimula ulit. Meron kaming bahay na matutuluyan hindi tulad ng iba na wala talaga.

Pasalamat kami sa Diyos dahil kahit papaano mayroon paring natira sa amin.
May dahilan naman lahat kung bakit nangyari ang mga yon.
Magsimula na lang ulit. Niloloko ko nga tatay ko sabi ko sa kanya "Life starts at 50". Back to zero, ipon na lang ulit.
Hindi dapat mawalan ng pag-asa kasi kahit kailan hindi naman kami pinabayaan ng Diyos.

Saturday, July 11, 2009

Skating Babies

I saw this video in YouTube and all i can say is CUTE and AMAZING! See it!



Nick's Untold Pinoy Stories

This blog is really cool! He is an unbelievable writer and also blogger. I was hooked with his blog about hidden stories of convicts to actors to heroes to saints and i think you should visit his blog if you love interesting trivia and showbiz stuff that never gets published anywhere.

Whoever thought that the lead guitarist of the heavy metal band, Metallica, Kirk Lee Hammett is a Filipino and was born on a Sunday at St. Luke's Hospital! and his mother is a true-blooded PINAY. And also Benigno "Ninoy" Aquino Jr. was once got so enamored with the late Dorothy Jones also known as Nida Blanca that he did everything to court her and also became her "Dakilang Alalay" . Amazing huh!

I had read everything on his blog and always checking if Nick has posted his new article. For people who loves interesting trivia here's a link for you!

Untold Pinoy Stories

Heart ♥to♥ Heart


"Sometimes, it is better to be alone. Nobody can hurt you." ~ Hercules

Some says being single is happy because you are free, no commitments and you don't need to text or call someone every hour to tell where you are and what you're doing. But the others says being single sucks. Do you agree?

I received a text from my old friend, she mentioned me about someone special to her, she was trying to control her true feelings to avoid conflicts, they were calling kasi each other "bez", as usual "bez" means bestfriend, now i know why she controls her feelings because she doesn't want to ruin their friendship, kaya pala! I ask her why not try, and she said it's too complicated daw, ok fine! parang friendster lang. Pero they both have feelings for each other so why don't try, take a risk, wala namang mawawala eh, if they both find na it will complicate things then stop wait for a right time to start a new level of relationship.

Up to now i have no idea kung ano na ang nangyari sa love story nilang dalawa, pero everytime na nag-ggm yung friend ko e always happy thoughts, kilig statements, kaya alam na, halata na. Nadale na.

Eto sample text niya
"My Hell is a place with big houses, luxurious cars, great tasting dishes and non-stop parties.. My Heaven?.. Only a small room with nothing in it but HIM!." O' diba me ganon!.

Nakakatuwa lang isipin na yung mga friends mo e nag-sstart na ng new level of life nila with their new ones'. (Naiinggit?????).

Pero isn't it great when there is someone who would ask you how your day was. If everything worked out fine or is there something wrong? I know it feels really good when you know someone despite of your busy life he'd still find a few minutes just to send you sweet nothings. 


If you're single, make the best for it. It's not because you're not good for anyone, but it means no one is good enough for you yet.

You judge na lang if it's better to have or not to have but me like everyone else, i wish every SINGLE ladies out there to find their true prince charming, something by the way WE truly deserve!!.

11/635 Photo by chasingdaylightphotography

Friday, July 10, 2009

CSE - Paper and Pencil Test

Nalalapit na ang exam ko sa para sa civil service pero hindi pa rin ako nakakapagreview tungkol sa Philippine Constitution. Hehe. Pero kaya yan! Kumuha ako ng exam para makapagtrabaho ako kahit sa government agencies, isa kasi ang civil service exam passer sa mga requirements para makapagtrabaho ka sa gobyerno. CSC-PPT ibig sabihin noon Career Service Examinations - Paper and Pencil Test, hindi ko kasi kinuha yung CAT o Computer-Aided Test kasi sabi hindi mo na raw pwedeng balikan yung mga na-miss mo na questions, meaning di mo na pwedeng review-hin yung test mo, mas maganda na daw yung pencil and paper kesa sa computerized yun nga lang mano-mano, matagal ang exam at matagal ka ding maghihintay para sa resulta, pero ayos lang.

Para san nga ba ang Civil Service Exam? Mahalaga ba ito?


Sabi nila ang nagte'take ng exam na ito e yung mga gustong magtrabaho sa gobyerno, ang iba maganda daw sa credentials, ang iba naman laman resume lang daw. Ano man ang mga dahilan nila hindi yan ang naging dahilan ko kung bakit ako nagtake ng exam na ito, ewan ko ba kung bakit, siguro nakigaya lang ako.

Marami sa mga fresh grads ngayon ang ayaw magtrabaho sa gobyerno, mas gugustuhin pa nilang pumasok sa mga private companies, pero sabi sa akin, ngayon hindi ko pa daw maiisip na magtrabaho sa gobyerno (kasi parang pangit pa ang imahe ng gobyerno sa'kin) pero pagdating daw ng araw at medyo nagkakaedad na (hindi naman lolo at lola age) mas maganda daw magtrabaho sa gobyerno dahil hindi daw basta-basta nagtatanggal at mas marami ka pang makukuhang benepisyo. Yun ang sabi nila.

Nagbasa ako ng mga komento ukol sa exam na ito, ang iba sabi mahirap daw at nakakahilo, pero ang iba sabi nila kapag pumasa ka daw sa college entrance exam e t'yak makakapasa ka din sa civil service exam, pero ewan ko, hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila, hindi din kasi ako makakita sa net ng reviewer para sa civil service exam. Haaay. Pray na lang.

Sa mga interisado para sa Civil Service Exam pwede pa kayo humabol para sa November 15, 2009 examination, sa July 26, 2009 na kasi yung second batch nang exam kaya medyo huli na. Ito nga pala yung mga application requirements para makapag-apply ka para sa exam.

APPLICATION REQUIREMENTS

1. Applicants must accomplish properly the prescribed examination application form (CS Form No. 100-A, Revised 2008).

2. Four (4) latest and identical passport size (1 ½” x 2”) I.D. pictures with a full name tag that includes the surname, first name and middle initial taken within three (3) months before the date of filing of the application. Pictures that are scanned, photocopied or computer-enhanced are not accepted. Name tag should not be computer-generated.

3. Any valid Identification Cards such as Company/Office/School ID, Driver's License, SSS ID, GSIS ID, Postal ID, Police Clearance Certificate, Valid Passport and the like which contain the applicant's picture, signature, birth date, and the signature of the authorized head of the issuing agency. Photocopy of the same should be attached to the approved application form to serve as reference for Room Examiners on the day of the examination.

4. Examination fee of Php 350.00.

Kapag nakumpleto n'yo na yung mga requirements pwede na kayo pumunta sa kahit anong CSC Regional Offices or Field Offices para makapag-apply. Log-on din kau sa Civil Service Commission Website para sa iba pang information.

Lapit na exam ko, sana makapasa kaming lahat. Pagpray nýo kami ah.. Hehe

Thursday, July 09, 2009

Mahihirap at Squatters daw ang Adamsonian


Sa halos araw-araw na paggamit ko ng internet, ibat-íbang bagay, kwento, opinyon ang nababasa ko tungkol sa mga kung anik-anik, pero isa sa mga nakapukaw at nagpangitngit na aking atensyon ay ang mga kumento tungkol sa pagiging isang ADAMSONIAN at ang patuloy na pagkatalo nito sa UAAP (at hindi lang ito tungkol sa ADU pati na rin sa NU).

Ito ang comment na nabasa ko galing sa mga taong akala mo naman kung sino.

--> Galing kay "lasalista"

Monday, 29 June 2009 at 10:18 pm
♦"go la salle….sana matanggal na nu at adamson..ang cheap kc nila at mahihirap"

--> Galing kay "UA&P Dragons"

Sunday, 5 July 2009 at 9:55 pm
♦i’m from UNIVERSITY OF ASIA AND THE PACIFIC.. well…..ur all struggling w/ each other…eh ang school q ang pinkasosyal sa lahat…..kame ang may pinkamahal na tuition 120k ang pinakamababa sunod lang ang la salle at 3rd ang ateneo………. were not joining uaap….its because ayaw namen makasama ang SQUATTER schools which is NATIONAL U and ADAMSON U

Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun na lang ang tingin ng iba sa iskul na pinanggaligan ko at sa iskul tulad ng NU. Galing ako sa Adamson at proud ako na dun ako grumaduate, hindi dahil sa ADAMSON yun kundi dahil marami akong natutunan sa halos lahat ng TOTOOng taong nakakasalamuha ko doon simula ng pumasok ako magmula sa mga estudyante hanggang kay Fr. Greg na aming presidente.

Oo, hindi ko ikinakaila na isa ako sa mga mahihirap na tinutukoy nila. E ano naman kung mahirap kami, ang tuition na pinangbabayad namin ay galing sa dugo't pawis ng aming mga magulang, kung minsan panga kinakailangan naming magtrabaho para lang kumita at makapagbayad ng tuition.

Puro carinderia din ang malapit sa Adamson dahil nga mahihirap kami hindi katulad ninyo na araw-araw ay may pangkain sa mga mamahaling restaurant. Wala din kaming magagarang sasakyan, araw-araw kaming nagkokomyut para lang makarating sa tamang oras ng klase hindi tulad ninyo na meron pang mga driver para lang ihatid kayo. Sabi n'yo nga mahihirap ang Adamsonian, ang tuition fee namin 30,000++ lang ang pinakamahal ni wala pa sa kalahati ng tuition na sinasabi ninyong tuition n'yo na umaabot sa 120,000++ at yun pa ang pinakamababa na halos tuition na namin ng ilang semestre. Sobrang laking kaibahan talaga.

Oo, sa apat na taon kong pag-aaral sa Adamson kahit isa hindi ako nakaranas na magchampion ang FALCONS sa UAAP. Patuloy parin ang suporta namin kahit na nakakasawa na ang palagiang pagkatalo. Siguro nga kulang sa nutrisyon yung mga manlalaro namin kasi nga mahihirap kami di'ba? At isa pa, dahil nga mahirap kami, wala kaming perang pangbayad para sa mga "game fixing". Pero bilog naman ang mundo, maaaring nasa ibaba kami ngayon pero sa susunod kami naman ang titingalain n'yo.

Para sa mga hindi nakakaalam, maraming matatagumpay na propesyunal ang nagtapos sa Adamson. Nagsimula sila bilang mahihirap pero ngayon tingnan n'yo sobrang laki na nang kanilang kinikita ngayon mas malaki pa sa sweldo ng mga nag-aaral sa mga "sosyal" na eskwelahan. Meron din kaming pagsisikap sa paghahanap ng trabaho at hindi kami umaasa sa mga kompanya ng magulang o kamag-anak.

Hindi rin kami magpapahuli pagdating sa kalidad ng edukasyon, isa ang Adamson sa Top 20 schools sa pilipinas ayon sa CHED. Si Fr. Greg pag lumalabas ng institusyon walang nakakabit na bodyguard na puno ng armas, at makikita mo pa siya na mismong nagpupulot ng kalat na makikita niya sa daan, hindi naman gawain yan ng mayayaman di'ba? Kasi ang mga mayayaman ayaw sa madudumi dí'ba?

Simple lang kami, pero mga totoong tao, pinapakita namin kung sino at ano talaga kami at hindi kami nagtatago sa likod ng mga magagandang damit, alahas at pera. Kung wala, humahanap kami ng paraan, pero kung wala talaga, wala talaga. Ganun kasi ang buhay e, hindi kasi namin nakukuha ang lahat ng gustuhin namin, hindi tulad ninyo.

Sana sa susunod wag nang manlait ang mga taong wala rin naman. Di hamak na mas mukha pa kaming nag-aral sa mamahaling eskwelahan di tulad ninyo na puro panlalait at pagyayabang ang laman ng utak. Maisip n'yo din sana na kaming mahihirap sanaý kahit saan, yumaman man o manatiling mahirap, hindi tulad ninyong mayayaman na kapag naging mahirap e akala n'yo na e katapusan na ng mundo.

Hindi lang ito ang unang nabasa ko tungkol sa mababang tingin nila sa ADAMSON, NU at iba pang school. Marami pa. Alam kong hindi ito maiiwasan kasi pera na ang nagpapalakad sa buhay ng tao pero magising tayo. Hindi lahat ng susi ng tagumpay ay pera, kayamanan o kung anu-ano pa, kundi ang sipag, tiyaga, at tunay na pagkatao.

Tandaan, Bilog ang Mundo.

Be Professional! Go Adamsonian.
Dito niyo makikita yung original post nila tungkol sa Adamsonians.

Wednesday, July 08, 2009

Michael Jackson NEVER DIES

MICHAEL JACKSON: King of Pop

Ngayon na lang ulit ako nakapagsulat dahil kay King of Pop MICHAEL JACKSON. Hindi ko ikinakaila na naiyak at nalungkot ako sa biglaang pagkawala niya. Hindi ko siya kamag-anak, hindi ko rin siya nakita sa personal, ni makausap at makamayan man lang ay hindi ko pa nagagawa pero ibang lungkot ang ibinigay ng Michael Jackson di lang sa akin ngunit pati narin sa halos lahat ng tao díto sa mundo. Lungkot na para ka naring nawalan ng isang malapit na kamag-anak sa iyong buhay.

Masasabi ko ring parte narin si Michael Jackson ng buhay ko, bata pa lang ako mga kanta na niya ang naririnig ko mula sa mga cd's ng aking tito. Nakakamangha ang mga kanta niya hindi lang dahil maganda ang melodiya at nakakaindak ang ibang kanta niya ngunit dahil kung nanamnamin mo ang bawat lyrics ng kanyang mga kanta ay siguradaong tatamaan ka sa mga ito, kakabugin nito ang puso mo.

Lalo pang nadagdagan ang paghanga ko sa kanya ng mapanood ko ang memorial service na ibinigay ng mga taong patuloy na nagmamahal parin sa kanya sa kabila ng mga kontrobersiya na ibinato sa kanya noon at hanggang ngayon. Ipinahayag ng mga taong nagmamahal sa kanya kung sino talaga si MJ at kung ano talaga ang kanyang pagkatao sa likod ng kanyang matinding kasikatan, mga magagarang damit, ilaw, at entablado. Nakakalungkot lang dahil kung kailan wala na siya ay saka pa lang natin naisasaloob at nararamdaman ang naging papel ni MJ sa buhay nating lahat.

Ibat-ibang papugay ang ibinigay sa kanya tanda ng malaking papel na ginampanan niya sa buong mundo bilang King of Pop. Maraming buhay ang nabago dahil sa kanya, maraming tao ang natulungan dahil sa mga musikang ginawa at isinulat niya, maraming tao ang ginawa siyang inspirasyon at patuloy na iniidolo kahit na ngayon wala na siya. Mananatiling buhay si Michael Jackson sa puso at pagkatao di' lang ng mga pilipinong tulad ko ngunit pati narin ang buong mundo.

Hindi niya man maintindihan ang mga pinagsasasabi ko, at hindi man ito makararating sa kanya atleast kahit papaano ay naipahayag ko ang totoo kong naramdaman sa pagkawala niya, isa rin kasi akong tulad niya na mahilig sa musika. Alam ko na sa langit ay makakarating ito sa kanya sa tulong ni papa God at maiintindihan niya ito kahit na ibang lenggwahe ang gamit ko.

Mabubuhay ka sa puso at pagkatao naming lahat kasama ang mga kantang ginawa mo at kahit kailan ay hinding-hindi namin makakalimutan ang tulad mo. Saludo ako saýo. Paalam.


Picture of MJ is from MJJ Pictures.COM


Sunday, December 21, 2008

Jaymee Joaquin


Hindi ko idol si Ms. Jaymee Joaquin, hindi rin ako palaging nanonood ng show niya tuwing madaling-araw, pero nainspire niya ako na magpost tungkol sa mga taong walang ginawa kundi maghanap ng mga pagkakamali at maipipintas nila sa iba.

Games Uplate Live, kapag wala ng palabas sa tv, yan ang madalas na pampalipas oras ko lalo na pag walang pasok sa iskul kinabukasan. Si Jaymee Joaquin ang host ng GUL, maganda, sexy at kwela. Although paulit-ulit yung mga sinasabi niya sa mga viewers, at minsan nakakasawa na, go pa rin dahil part yun ng trabaho niya. Walang masama dun kasi hindi naman bastos ung mga sinasabi niya.

Ayon sa "To My Dear Detractors" title ng post niya sa kanyang blog, gumawa siya ng sulat sa mga taong naninira sa kanya at walang magandang ginawa kundi ang hanapan siya ng mga pagkakamali.

Hindi naman masamang magkamali, lalo na pag ang pagkakamali na yun ay nagbigay sa'yo ng matinding aral. Wala namang taong perpekto, maski si God nagkakamali din. Hindi tayo ginawa ni God na perpekto dahil para matuto tayo sa kahinaan at kalakasan ng bawat isang nilalang na nilikha Niya.

Sabi ko nga nung una, walang masama sa pagkakamali, lahat ng nilalang tao man o hindi ay nagkakamali din. Lahat ay may kanya-kanyang kakulangan, may kanya-kanyang kahinaan, may kanya-kanyang kalakasan at may kanya-kanyang natatanging katangian. Dapat naaapreciate natin ang mga kayang gawin ng iba na hindi naman natin kayang gawin at yung mga kaya naman nating gawin eh matuto tayong i-share sa iba para quits dba?.

Although minsan ang pagpuna sa kamalian ng iba ay nakakatulong din para mag-improve sila, meron din naman na kung magpuna e puro kamalian na lang ang kanilang nakikita at hindi na nila napapansin yung mga bagay na magaganda sa taong yun dahil nga puros kapintasan na lang ang nakikita nila. Para bang insecure sila sa taong yun at para sa kanila wala yung magandang ginawa. Ganito ata talaga sa mundo.

Hindi ko pinagtatanggol si Ms. Jaymee sa kanyang mga detractors, pero sana nakikita din nila yung mga good sides niya. Siguro nga part yun ng life niya in showbiz, bawat tuldok napupuna. Ganyan talaga kapag sumusikat.. hehehe.. lahat napupuna.

Monday, October 20, 2008

Byaheng Ewan

Sembreak na naman!!! Sa wakas makakatulog din ako ng dose oras. hahaha.. Kakambal din ng sembreak ang pagbabakasyon, merong mga nagpaplano para magswimming, meron din namang nagpupunta sa mga kamag-anak, kapinsanan, o kaya mga lolo at lola para bisitahin sila at isa na ako doon.

Nais kong ibahagi sa inyo yung mga di' inaasahang eksena na nasaksihan ko (at minsan ako pa ang bida sa eksena) habang kami ay nagbabyahe. Pasok eksena..

Gabi na ng umalis ako at ang aking pinsan papuntang Carmona para bisitahin ang aking lola. Bago kami umalis, nagbilin sa'min yung tatay ko na..

TATAY: "Jen-jen, huwag kayo umalis ng gabi kasi mahihirapan kayong sumakay, mahaba ang pila sa terminal ng bus kasi uwian ngayon"

Pero di ako nakinig, umalis parin kami ng gabi, masarap kaya magbyahe ng gabi. Papunta ng bus terminal kailangan muna naming sumakay ng dalawang dyip, isang byaheng Taft at isang byaheng Buendia LRT.

Dyip Part 1 [Byaheng Buendia LRT]

Matagal din kaming naghintay ng dyip na masasakyan. Halos lahat kasi ng dyip kundi puno e ibang ruta naman ang tinatahak. Kinse minutos din kaming naghintay. Sa wakas nakasakay din kami, isang dyip na super duper luwang ang inihulog sa amin ng langit. Kami ng pinsan ko ang unang nakasakay, sumunod ang isang mag-syota, isang matandang lalaki, isang dalaga at 12 kabataan na mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan at aakalain mong mga holdaper na ewan. Hindi ko alam ang aking naramdaman sa pagsakay nila sa dyip, halong kaba at takot na baka may gawin silang hindi kagandahan. Lalo pang nadagdagan ang aking takot dahil bumaba ng hindi inaasahan ang mag-syota, sumunod yung matandang lalaki at yung dalaga. Ako, ang pinsan ko, yung drayber at 12 na kabataan na lang ang natira sa dyip. Katakot. Parang gusto ko na ring bumaba kahit na wala pa kami sa destinasyon namin sa takot na baka nga may gawin sila. Kung titingnan mo kasi yung mga itsura nila, para silang yung mga snatcher na pinapakita sa tv kapag nasasakote. Kung magkataon, wala kaming laban ng pinsan ko dahil parehas kaming babae. Napanatag lang ang loob ko nang makababa na kami ng dyip at sa wakas nasa terminal na kami.

Terminal ng Bus [Buendia LRT]

Akala ko makakasakay na kami agad ng bus pero nagkamali ako. hehe. Bumungad sa amin ang mga napakahabang pila sa terminal. Iba't-ibang pila ang makikita mo doon, may pila na diretso at may pila na paikot. Malas lang namin dahil dun kami sa pilang pagkahaba-haba. Nag flashback tuloy sa akin yung sinabi ng tatay ko...

TATAY: "Jen-jen, huwag kayo umalis ng gabi kasi mahihirapan kayong sumakay, mahaba ang pila sa terminal ng bus kasi uwian ngayon"

Wala kaming nagawa kundi maghintay ulet. Inisip ko na lang na mas swerte pa rin kaming mga nakapila sa byaheng BIÑAN kasi mas doble ang haba ng pila sa byaheng BALIBAGO. (kawawa naman sila) Kapag may dumadating naman na bus, hindi naman magkamayaw ang mga tao. Parang may dumadating na sikat na personalidad sa tuwing may dadating na bus at iba't-ibang komento din ang narinig ko sa mga tao.

Comment#1: Hay, salamat, nandyan na ang bus.
Comment#2: Naman 48 yrs.
Comment#3: Ayan na yung bus, sa wakas.
Comment#4: Tabi-tabi baka masagi kayo.
Comment#5: Anung bus yan? Biñan na ba yan?.

Nakasakay din kami sa ikatlong bus na dumating. yehey!

Sa loob ng Bus [Byaheng Biñan]

Wala naman masyadong eksena ang aking nasaksihan, maliban na lang sa dalawang malilit na ipis ang gumagapang sa bintana ng aircon na bus. (Halos karamihan ata ng aircon bus e meron nyan)
___________________________________________________________________

Pauwi

Kailangan ko umuwi ng Maynila kasi kailangan ko mag-enrol. hehe. Para makauwi, dapat akong sumakay ng isang tricycle, isang dyip na byaheng Alabang, bus na byaheng Lawton at isang dyip ulet papunta sa bahay namin.

Sa loob ng Bus [Byaheng Lawton]

Naghihintay ng pasahero ang bus na nasakyan namin. Kaunti na lang at malapit ng mapuno ang bus. Habang naghihintay, isang maaksyong eksena na ang sumunod..

**Start

Trapik Enporser: Abante na. Abala kayo e.

Manong Drayber: Aalis na.

(Sabay abante, tapos hinto ulet dahil may sumakay na pasahero)

Trapik Enporser: Sabing abante na e. Gusto niyo abalahin ko kayo?

(Walang sinabi si manong drayber, umabante ng konti)

Trapik Enporser: Ano? Aabalahin ko talaga kayo, mga p******** talaga kayo. Abante.

(Sinusundan talaga ni T.E si M.D, ang lupet. Motor laban sa Bus. haha)

Manong Drayber: Nagbabayad kami dito tapos pipilitin niyo kami paalisin. Mga g***.

Trapik Enporser: E g***, doon kayo nagbabayad, doon kayo magreklamo.

(Nagkasagutan na ang dalawa, ang lupet talaga)

Manong Drayber: Dito ka sa gitna humarang para makita natin ang tapang mo.

(Daldal ng daldal si T.E., pero takot namang humarang sa gitna. Takot atang masagasaan. hehehe.. comedy)

Manong Drayber: Dito ka nga. Halika dito sa gitna.

(Kinuha na ni T.E yung walkie-talkie niya. Tinimbrehan siguro ung ibang kasama. Naghagilap ng kadamay?? hehe)

Manong Konduktor: Abante na, puno na tayo.

(Sa wakas umabante na din ng tuluyan ang bus, pero meron na palang naka-abang na isa pang T.E sa dulo)

Trapik Enporser2: Tarantado ka ah.

(Sabay ambang na babatuhin ng malaking bato si M.D. Si M.D at M.K wala ng pakialam. hehe)

Manong Drayber: Mga g***, matatapang lang kayo kasi nakauniporme kayo.

**End

Ang lupet!!!! parang eksena talaga sa pelikula ang nasaksihan ko. Astig si manong drayber kasi lumalaban sa mga abusong trapik enporser. Hindi nagpapaapi. hehe. Tama naman siya eh, yung ibang mga pulis at trapik enporser e ginagamit lang nila yung uniporme nila para mangotong at katakutan sila. Astig talaga si manong drayber.

Dyip Part 2 [Byaheng Bayan-Beata]

Eto na ata ang pinaka-ayaw kong eksena. (di dahil sa ako ang bida.. hehe) Madalas akong umupo sa gilid ng dyip, malapit sa labasan para madaling makababa. Pito palang kaming nakasakay, sabog-sabog kami, may katabi ako, yung isa malapit kay manong drayber, yung iba naman nasa gitna. labo-labo. Nagbayad ako.

**Start

Ako: Bayad po.

(Walang pumansin sa akin, parang walang nakarinig)

Ako ulet: Manong bayad po, PAKI-abot naman po yung bayad.

Aling Ewan na Bruha: Walang mag-aabot ng bayad mo.

(Sabi ba naman ng halos katabi ko. grrrrr.)

**End


Sa isip-isip ko, "Bakit wala po ba kayong kamay para iabot ang bayad ko." Magkalapit lang naman kami ng upuan, at malapit lang din naman siya sa aabutan niya ng bayad ko. Tiningnan siya ng iba pang mga pasahero, marahil nainis din sila dun sa aling bruha. Masyado naman kasi siya, e kung hindi din kaya iabot ang bayad niya?? ano kaya ang mararamdaman niya??. Kainis talaga.

Mabuti na lang at iniabot ni kuya ang bayad ko, kung sino pa yung nasa dulo siya pa ang nag-abot.

Eksenang D' Best

Bababa na si Aling Ewan na Bruha. "PARA!!" Hindi narinig ni manong drayber. "PARA HO". Hindi parin narinig, at ayaw magsabi ng ibang pasahero na merong bababa, mas lalo na ako, bahala kang hindi makababa. hehe. "PARA!!!!!!!!" Sabay stop. hehe, sa wakas narinig siya ng drayber. Super layo naman ng binabaan niya sa dapat niyang babaan, buti nga. Maglakad ka ulet.

Bilis talaga ng KARMA!! Digital. hehehe..

Wednesday, September 24, 2008

Pagbubunyag

Ikaw. Oo ikaw.

Ikaw lang naman ang tinutukoy ko. Ang taong bumuo ulit ng puso ko. Ang dahilan kung bakit masaya ako. Ang dahilan kung bakit nakakangiti ako sa kabila ng problema. Hindi ko mapigilan ang saya sa tuwing kausap ka. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang aking naramdaman. Iba na ba to' o talagang paghanga lang.

Pero parang nananadya talaga ang tadhana. Hindi talaga umaayon sa akin ang kapalaran. Ayaw niya talaga akong maging masaya.

Siguro nga dapat nung una palang hindi ko na sinanay ang sarili ko na nandyan ka, na palagi kong nakakausap at nakakasama. Dapat noong una palang, naisip ko na hindi ka pala sa akin at sayo'y may nagmamay-ari na.

Napakatanga ko talaga. Kahit kailan hindi ako nag-iisip ng tama. Kahit kailan hindi ko naisip na kaibigan lang pala kita.

Hindi ko inaakala na kung sino ang bumuo ulit na aking puso ay siya ring magwawasak nito. Isang malaking kahibangan ko lang pala ng lahat ng iyon. Nagkamali ako.

Ayaw ko na sanang ilathala pa ito, kaso sobrang nahihirapan na ako. Hindi ko kasi masabi kahit kanino. Marahil sa paraang ito, maiibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Oo tanggap ko na, hindi ako ang tinitibok ng puso mo, at kahit kelan hinding-hindi mo magagawang mahalin ako. Alam ko na ngayon na kaibigan lang talaga ako sa'yo, kahit kailan kaibigan lang talaga ang tingin mo at imposibleng maging tayo.

Sino ba naman ako sa'yo? Sino nga bang pipili sa tulad ko?

Mas maigi na ring ganito, unti-unti ko nang tanggap na imposible talagang mangyari ang gusto ko. Oo nasaktan ako sa kahibangan ko, kahibangang dapat sa una palang ay itinigil ko.

Siguro matatamaan ka nito, ikaw naman kasi talaga ang tinutukoy ko, manhid ka kung hindi mo mararamdaman ang bawat linyang binibitawan ko.

Balang araw makakatagpo din ako ng tulad mo. Balang araw magiging maligaya din ako. Balang araw makakasama ko din ang hinahanap ko.

Makikita mo.

- sulat ng isang nagdadalamhati


Bawal ang Tumawa


Seryoso kaming lahat noh?.

Misteryosong Kendi

Buuuuuuuttttttttttteeeeeeeerrrrrrrrrr Baaaaaaaaaaaalllllllll!!!!!!!!!!!!!!

Yan ang kendi ko, kendi ng klasmeyts ko, kendi ng tatay ko, kendi ng barkada ko, kendi ng lahat!!
Peter's Butter Ball,, ang pinag-aagawang kendi. Masarap, hindi maanghang. Matamis at lasang butter. (malamang butter ball nga eh.) At mabango sa bibig. (fresh na fresh, kahit wag kana magsipilyo)

Eto ang madalas kong bilhin (pati ang nanay ko) sa mga tindahan. Medyo mataas ang presyo sa tindahan kumpara kung sa grocery ka bibili (subok na, mas mura talaga.)

Balik sa Peter's Butter Ball..

Bakit nga ba Peter's Butter Ball?? Sino ba si Peter?? (sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit.) Baka, siya yung nagimbento ng recipe ng kendi??, o nag-isip ng neym na butter ball at idinagdag na lang ang pangalan niya? o kaya si peter ang inspirasyon nung gumawa. (ang hirap manghula)..

Sabi ko nga nung una, masarap at mura ang kendi na ito. (nag-advertise??)
Masarap, dahil parang ang lahat ay nahuhumaling dito.
Mura, dahil sa isang pack e nagkakahala lamang ito ng 20+ (20+, dahil iba-iba naman ang presyo ng grocery diba?) at naglalaman ito ng 50 pirasong bilog na kendi.

Pero alam niyo ba na medyo misteryoso ang plastic ng butter ball.. (yung pangmaramihan ha, di mo yun makikita sa balat ng kendi kung bibili ka ng tingi lang) Meron kasing nakadrawing sa plastic ng Peter's Butter Ball na parang ELF. Siguro siya si Peter?. Mapapaisip ka talaga kung bakit elf ang nakalagay dun. Bakit nga ba? Hala!!!!

Sunday, September 21, 2008

Uso

Yan naba ang uso ngayon??

Nakita ko lang yan sa kapatid ko.
Una kong reaksyon..
"Ano ba yan parang tanga! Salamin ba yan?".
Sagot naman ng kapatid ko..
"Ate, yan ang uso! Soulja boy to."

Hala, hindi ko na talaga maintindihan kung anu na ang nangyayari sa mundo!!!!
Nakakatawa talaga..

Sinuot ko, naku parang ang nakita ko lang puro linya, halos di ko na makita ang nilalakaran ko. Pamorma lang naman ata. Di ko lubos maisip, nauuso pala ang mga ganitong bagay.

Kapag dumadaan naman ako sa bangketa sa may pedro gil, nakakakita ako ng mga nagtitinda ng salamin na yan. Hindi ko alam kung mabenta ba yan ngayon o matumal ang bentahan, pero sa palagay ko, muka namang mabili.

Anu bang nakikita nila sa salamin na yan? Maganda ba yan? Kasi para sa akin hindi. hahaha, ang sagwa! parang engot (wag sana magalit sa akin yung mga gumagamit nyan.. hahaha)

May Isip Pala Ako

Naisip ko lang..

1. Bakit mabilis humaba ang kuko sa kamay kaysa sa paa?
        -->hindi ba pwedeng sabay??

2. Bakit kapag madali lang gawin ang isang bagay e palagi nalang nating sinasabi na "sisiw lang yan" o kaya "maning-mani lang yan"?
        -->hindi ba pwedeng bibe o kaya pasas?

3. Bakit ang ibang tao takot na takot sa ipis o kaya sa daga?
        -->e di hamak na mas malaki naman ang tao sa kanila??

4. Bakit mas mahaba ang oras kapag papunta kaysa sa pabalik?
        -->medyo nakakapagtaka no??

5. Bakit sa gabi nagtitinda ang mga magbabalot?
        -->hindi ba pwede sa umaga, sa tanghali o kaya sa hapon??

6. Bakit karamihan sa pelikula at telenobelang pilipino, kapag namamatay ang bida e nabubuhay naman ulet?
        -->bakit nga ba??

7. Bakit ang ibang jeepney driver kapag magbabayad ka ng 10 pesos tatanungin kapa kung ilan yon?
        -->helow? 8.50 na kaya ang pamasahe ngayon??

8. Bakit kapag sumasagot tayo ng phone madalas ang laging sagot natin e "hello"?
        -->pwede naman "hi".

9. Bakit sa iskul namin palagi na lang iniinspection ang bag namin, may kasama pang kapkap. Samantalang ang mga professors at nakasasakyan e hindi man lang iniinspection, pinagbubuksan pa sila ng gate.
        -->sabagay, mayaman sila at ako'y mahirap lang.

10. Bakit kapag pinapagalitan tayo ng mga nanay natin, nauungkat pa yung mga dati nating kasalanan?
        -->ang mga nanay nga naman.

11. Bakit kapag tinatanong tayo "paano mo ginawa yan?" madalas ang sagot natin "madali lang yan!"?
        -->parang may kilala akong ganyan?? haha.

12. Bakit kapag natatalo ang isang kandidato, madalas na sinasabi nila "nadaya ako!"?
        -->hindi ba sila marunong tumanggap ng pagkatalo??

13. Bakit ang lahat ng tv stations, sinasabi nila na no.1 sila?
        -->e diba sunod sa 1 e 2?? sino ba talaga ang no.1??

14. Bakit ang mga sobrang yaman na tao e kakapiranggot lang kung kumain?
        -->dapat nga sandamukal ang pagkain nila dahil marami silang pambili.

15. Bakit masarap ang bawal?
        -->di ko rin alam eh.

16. Bakit kapag kaunti lang ang kinakain mo madalas na sabihin nila sa'yo "diet ka??"?
        -->sa akin kaya kelan nila sasabihin yon?? hahaha.

17. Bakit kapag umuulan e madalas nagagalit ang mga tao, pero kapag wala namang ulan at maiinit ang panahon hinahanap-hanap natin ang ulan?
        -->pasaway talaga ang mga tao no??

18. Bakit mas madali ang pagsisinungaling kaysa sa pagsasabi ng totoo?
        -->no comment!! haha.

19. Bakit ang LRT1 hiwalay ang babae at lalake, samantalang sa LRT2 eh hindi naman?
        -->based on experience.. haha

20. Bakit kapag may problema tayong mahirap masolusyunan e palaging si GOD ang tinatawag natin? samantalang kapag masaya tayo, at may mga bagay na pinagtagumpayan e hindi natin siya magawang mapasalamatan??
        -->tsk.tsk.tsk. sori po.

Langgam



http://www.wallpapervortex.com/wallpaper-20520-miscellaneous_hard_working_ants_wallpaper.html#.UunqQz2SzU8

Habang naghihintay ako ng gagawin, nakita ko ang mga langgam, busy silang lahat kaya hindi ko na sila inistorbo pero may napansin ako..

1.Mayroon silang pila na sinusunod at hindi uso sa kanila ang singitan.

2.Nagtutulungan sila lalo na kung ang isa nilang kasama ay nahihirapang magbuhat.

3.Hindi uso sa kanila ang salitang "bakaw".

4.Parang nagbabatian at nagkakamustahan sila kapag nakakasalubong nila ang mga kapwa langgam.

5.Walang kapaguran, lalo na sa paghahanap ng kanilang mga makakain.

Dapat siguro tularan natin sila sa ganyang mga gawain, ngunit huwag lang pangangagat ang ating gawin. hahaha.



Saturday, September 20, 2008

Monitor

Sa hinaba-haba ng pagsasama namin mukang sa junk shop din ata ang tuloy.

Bakit ngayon ka pa nagloko? Bakit?

2nd year highskul ako ng ibili ako ni papa ng isang komplit set ng personal computer, (pc in short). Halos araw-araw, wala akong ibang kaharap kundi ang monitor (hanggang ngaung gnagawa ko to kaharap ko cia,, smile!!) kulang nalang magkapalitan na kami ng mukha. Halos kalahating araw ko siyang kaharap. Minsan kasi kapag wala akong kasama sa bahay, madalas ang ka bonding ko e ung pc at ung sofa namin. Lagi kasi akong naiiwan sa bahay (inday??), d rin naman kasi ako masyadong mahilig gumala, lalo na kung iisang lugar din ang pupuntahan. Kaumay.

Di nagtagal, parang nakikita ko na nanghihina na siya (ang monitor ko). 4th year college na ako ngayon, halos 6 na taon na kaming nagsasama, medyo matagal na din un no. Ngayon, unti-unti ko nang dinadampi ang aking kamay sa kanya (haplos ng pagmamahal). Minsan kapag medyo makulet, napapalakas ang dampi ng mga kamay ko sa kanya dahil may kasama ng pagkainis yun. hahaha.

"Bakit ngayon ka pa nagloko? Bakit?" (sabay pukpok sa monitor) yan ang dialog ko kapag tinotopak siya. Minsan may kasama pa yung "Kung kelan kita kailangan saka ka naman masisira!!!" may kasama pang tulo ng luha yun ah. Infairness, effective naman ang mga dialog ko sa kanya. Parang tao na naaabsorb ang bawat linyang binibitiwan ko. Effective, dahil gumagaling ang sakit niya.

Pero ngayon parang malala na, hindi na gumagana ang mga hampas na ginagawa ko sa kanya, manhid na siguro. Hindi narin gumagana yung mga nakakaantig kong linya, parang balewala na. Marahil, gusto niya na rin magpahinga. Pagod na pagod na siguro siya sa mga araw-araw na hampasan naming dalawa, ang swit namin no.

Dadating ang araw, na iiwan niya rin ako, pero sana may kapalit agad. Hindi ko naman kalilimutan yung mga pinagsamahan naming dalawa. Hindi ko yun magagawa sa kanya. at tsaka isa na ata siya sa pinakamalapit sa puso ko. (ang drama?)

Hindi naman gaanong kalala ang sakit niya. "HEPA" lang nman, hepa na may kasamang komplikasyon. Mga komplikasyong lalong nagpalala sa sakit niya. haaay.. sayonara..

Filipino Time

Haay,, kelan ba talaga maaalis sa ating mga Pilipino ang pagiging late?? Kapag 8 o'clock ang usapan, 9 or 10 na dadating, tama ba naman yun??

Bakit ba may mga taong late palagi? At pare-parehas pa ang mga naririnig kong dahilan sa kanila, kung hindi traffic, hindi nagising ng maaga o kaya naman hindi nag-alarm yung alarm clock. Naman!! wala na bang ibang dahilan??!!

Bakit ba nasasanay tayo sa ganitong gawa? Hindi ba tayo nahihiya sa mga kasama natin na on-time kung dumating sa oras ng usapan?? haay, ang mga pinoy nga naman. Paano ba tayo uunlad kung ang disiplina sa oras eh hindi natin magawa, kung tutuusin hindi naman yun malaking bagay diba?? Hindi naman napakahirap gumising ng maaga diba?? Yung iba nga nagagawang gumising ng maaga at hindi nagiging late kapag may usapan na oras, bakit yung iba hindi magawa??. Pare-parehas lang naman tayong lahat, natutulog, kumakain, naglalaro, nagbabasa, bakit ang isang simpleng bagay eh hindi natin magawa?

Maswerte yung ibang mga nalelate kasi nakakapag-hintay yung iba nilang kasama, e paano kung nagkataong merong ibang kasama na mainipin at ayaw ng pinaghihintay?? edi magkakaroon pa ng isang malaking giyera!!!

At eto pa, paano kung malate ka sa isang importanteng pangyayari sa buhay mo na hindi na maaaring maulit at balikan sa simula or hindi na pwedeng i-rewind? Edi nawalan ka ng isang mahalagang pangyayari sa buhay mo?

Naisip ko lang, bakit yung mga taong laging late e sila din yung mga taong ayaw ng pinaghihintay sila?? Tama ba??

Hindi ko naman sinasabing hindi ako nalelate, minsan nagiging late din ako, pero minsan lang tlga. Iba na kasi yung nakakagawiang maging late, ang panget. Ok lng sana kung mga 5 to 15 minutes kang late, e papaano kung 30 minutes above?? haay, kainip. Dapat hindi tayo masanay sa pagiging late, sanayin natin ang ating mga sarili na tumupad sa anumang oras na napagkasunduan.