Thursday, July 09, 2009

Mahihirap at Squatters daw ang Adamsonian


Sa halos araw-araw na paggamit ko ng internet, ibat-íbang bagay, kwento, opinyon ang nababasa ko tungkol sa mga kung anik-anik, pero isa sa mga nakapukaw at nagpangitngit na aking atensyon ay ang mga kumento tungkol sa pagiging isang ADAMSONIAN at ang patuloy na pagkatalo nito sa UAAP (at hindi lang ito tungkol sa ADU pati na rin sa NU).

Ito ang comment na nabasa ko galing sa mga taong akala mo naman kung sino.

--> Galing kay "lasalista"

Monday, 29 June 2009 at 10:18 pm
♦"go la salle….sana matanggal na nu at adamson..ang cheap kc nila at mahihirap"

--> Galing kay "UA&P Dragons"

Sunday, 5 July 2009 at 9:55 pm
♦i’m from UNIVERSITY OF ASIA AND THE PACIFIC.. well…..ur all struggling w/ each other…eh ang school q ang pinkasosyal sa lahat…..kame ang may pinkamahal na tuition 120k ang pinakamababa sunod lang ang la salle at 3rd ang ateneo………. were not joining uaap….its because ayaw namen makasama ang SQUATTER schools which is NATIONAL U and ADAMSON U

Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun na lang ang tingin ng iba sa iskul na pinanggaligan ko at sa iskul tulad ng NU. Galing ako sa Adamson at proud ako na dun ako grumaduate, hindi dahil sa ADAMSON yun kundi dahil marami akong natutunan sa halos lahat ng TOTOOng taong nakakasalamuha ko doon simula ng pumasok ako magmula sa mga estudyante hanggang kay Fr. Greg na aming presidente.

Oo, hindi ko ikinakaila na isa ako sa mga mahihirap na tinutukoy nila. E ano naman kung mahirap kami, ang tuition na pinangbabayad namin ay galing sa dugo't pawis ng aming mga magulang, kung minsan panga kinakailangan naming magtrabaho para lang kumita at makapagbayad ng tuition.

Puro carinderia din ang malapit sa Adamson dahil nga mahihirap kami hindi katulad ninyo na araw-araw ay may pangkain sa mga mamahaling restaurant. Wala din kaming magagarang sasakyan, araw-araw kaming nagkokomyut para lang makarating sa tamang oras ng klase hindi tulad ninyo na meron pang mga driver para lang ihatid kayo. Sabi n'yo nga mahihirap ang Adamsonian, ang tuition fee namin 30,000++ lang ang pinakamahal ni wala pa sa kalahati ng tuition na sinasabi ninyong tuition n'yo na umaabot sa 120,000++ at yun pa ang pinakamababa na halos tuition na namin ng ilang semestre. Sobrang laking kaibahan talaga.

Oo, sa apat na taon kong pag-aaral sa Adamson kahit isa hindi ako nakaranas na magchampion ang FALCONS sa UAAP. Patuloy parin ang suporta namin kahit na nakakasawa na ang palagiang pagkatalo. Siguro nga kulang sa nutrisyon yung mga manlalaro namin kasi nga mahihirap kami di'ba? At isa pa, dahil nga mahirap kami, wala kaming perang pangbayad para sa mga "game fixing". Pero bilog naman ang mundo, maaaring nasa ibaba kami ngayon pero sa susunod kami naman ang titingalain n'yo.

Para sa mga hindi nakakaalam, maraming matatagumpay na propesyunal ang nagtapos sa Adamson. Nagsimula sila bilang mahihirap pero ngayon tingnan n'yo sobrang laki na nang kanilang kinikita ngayon mas malaki pa sa sweldo ng mga nag-aaral sa mga "sosyal" na eskwelahan. Meron din kaming pagsisikap sa paghahanap ng trabaho at hindi kami umaasa sa mga kompanya ng magulang o kamag-anak.

Hindi rin kami magpapahuli pagdating sa kalidad ng edukasyon, isa ang Adamson sa Top 20 schools sa pilipinas ayon sa CHED. Si Fr. Greg pag lumalabas ng institusyon walang nakakabit na bodyguard na puno ng armas, at makikita mo pa siya na mismong nagpupulot ng kalat na makikita niya sa daan, hindi naman gawain yan ng mayayaman di'ba? Kasi ang mga mayayaman ayaw sa madudumi dí'ba?

Simple lang kami, pero mga totoong tao, pinapakita namin kung sino at ano talaga kami at hindi kami nagtatago sa likod ng mga magagandang damit, alahas at pera. Kung wala, humahanap kami ng paraan, pero kung wala talaga, wala talaga. Ganun kasi ang buhay e, hindi kasi namin nakukuha ang lahat ng gustuhin namin, hindi tulad ninyo.

Sana sa susunod wag nang manlait ang mga taong wala rin naman. Di hamak na mas mukha pa kaming nag-aral sa mamahaling eskwelahan di tulad ninyo na puro panlalait at pagyayabang ang laman ng utak. Maisip n'yo din sana na kaming mahihirap sanaý kahit saan, yumaman man o manatiling mahirap, hindi tulad ninyong mayayaman na kapag naging mahirap e akala n'yo na e katapusan na ng mundo.

Hindi lang ito ang unang nabasa ko tungkol sa mababang tingin nila sa ADAMSON, NU at iba pang school. Marami pa. Alam kong hindi ito maiiwasan kasi pera na ang nagpapalakad sa buhay ng tao pero magising tayo. Hindi lahat ng susi ng tagumpay ay pera, kayamanan o kung anu-ano pa, kundi ang sipag, tiyaga, at tunay na pagkatao.

Tandaan, Bilog ang Mundo.

Be Professional! Go Adamsonian.
Dito niyo makikita yung original post nila tungkol sa Adamsonians.

2 comments:

Anonymous said...

To Lassalista:
Go ateneo!!ahaha pero ikaw sana mging squatter kadn balang araw haha tanga masya mging squatter ahaha.. wag ganon kmkain kadn ng kanin.ahah

To UA&P Dragons:
kung cno kaman d ka pde mging artista ahahahaha :D bad ka hehe....
keo na pnkamahal na tuition pero cguro ung sa school nio naman d naman lhat kgaya mo .. ahaha :)) kea ikaw lng ang bulok na apple sa kanila haha...120k sana mghirap keo ahaha

regineeerosales said...

to anonymous..

pero kilala ko yan.. hehe.. tama ka roneil sister! go go go! inaalipusta nila tau! kala nila ah.. hehe.. mababait yata mga taga adu! salamat sa pagcomment tsaka sa pagbisita naren!