Monday, October 20, 2008

Byaheng Ewan

Sembreak na naman!!! Sa wakas makakatulog din ako ng dose oras. hahaha.. Kakambal din ng sembreak ang pagbabakasyon, merong mga nagpaplano para magswimming, meron din namang nagpupunta sa mga kamag-anak, kapinsanan, o kaya mga lolo at lola para bisitahin sila at isa na ako doon.

Nais kong ibahagi sa inyo yung mga di' inaasahang eksena na nasaksihan ko (at minsan ako pa ang bida sa eksena) habang kami ay nagbabyahe. Pasok eksena..

Gabi na ng umalis ako at ang aking pinsan papuntang Carmona para bisitahin ang aking lola. Bago kami umalis, nagbilin sa'min yung tatay ko na..

TATAY: "Jen-jen, huwag kayo umalis ng gabi kasi mahihirapan kayong sumakay, mahaba ang pila sa terminal ng bus kasi uwian ngayon"

Pero di ako nakinig, umalis parin kami ng gabi, masarap kaya magbyahe ng gabi. Papunta ng bus terminal kailangan muna naming sumakay ng dalawang dyip, isang byaheng Taft at isang byaheng Buendia LRT.

Dyip Part 1 [Byaheng Buendia LRT]

Matagal din kaming naghintay ng dyip na masasakyan. Halos lahat kasi ng dyip kundi puno e ibang ruta naman ang tinatahak. Kinse minutos din kaming naghintay. Sa wakas nakasakay din kami, isang dyip na super duper luwang ang inihulog sa amin ng langit. Kami ng pinsan ko ang unang nakasakay, sumunod ang isang mag-syota, isang matandang lalaki, isang dalaga at 12 kabataan na mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan at aakalain mong mga holdaper na ewan. Hindi ko alam ang aking naramdaman sa pagsakay nila sa dyip, halong kaba at takot na baka may gawin silang hindi kagandahan. Lalo pang nadagdagan ang aking takot dahil bumaba ng hindi inaasahan ang mag-syota, sumunod yung matandang lalaki at yung dalaga. Ako, ang pinsan ko, yung drayber at 12 na kabataan na lang ang natira sa dyip. Katakot. Parang gusto ko na ring bumaba kahit na wala pa kami sa destinasyon namin sa takot na baka nga may gawin sila. Kung titingnan mo kasi yung mga itsura nila, para silang yung mga snatcher na pinapakita sa tv kapag nasasakote. Kung magkataon, wala kaming laban ng pinsan ko dahil parehas kaming babae. Napanatag lang ang loob ko nang makababa na kami ng dyip at sa wakas nasa terminal na kami.

Terminal ng Bus [Buendia LRT]

Akala ko makakasakay na kami agad ng bus pero nagkamali ako. hehe. Bumungad sa amin ang mga napakahabang pila sa terminal. Iba't-ibang pila ang makikita mo doon, may pila na diretso at may pila na paikot. Malas lang namin dahil dun kami sa pilang pagkahaba-haba. Nag flashback tuloy sa akin yung sinabi ng tatay ko...

TATAY: "Jen-jen, huwag kayo umalis ng gabi kasi mahihirapan kayong sumakay, mahaba ang pila sa terminal ng bus kasi uwian ngayon"

Wala kaming nagawa kundi maghintay ulet. Inisip ko na lang na mas swerte pa rin kaming mga nakapila sa byaheng BIÑAN kasi mas doble ang haba ng pila sa byaheng BALIBAGO. (kawawa naman sila) Kapag may dumadating naman na bus, hindi naman magkamayaw ang mga tao. Parang may dumadating na sikat na personalidad sa tuwing may dadating na bus at iba't-ibang komento din ang narinig ko sa mga tao.

Comment#1: Hay, salamat, nandyan na ang bus.
Comment#2: Naman 48 yrs.
Comment#3: Ayan na yung bus, sa wakas.
Comment#4: Tabi-tabi baka masagi kayo.
Comment#5: Anung bus yan? Biñan na ba yan?.

Nakasakay din kami sa ikatlong bus na dumating. yehey!

Sa loob ng Bus [Byaheng Biñan]

Wala naman masyadong eksena ang aking nasaksihan, maliban na lang sa dalawang malilit na ipis ang gumagapang sa bintana ng aircon na bus. (Halos karamihan ata ng aircon bus e meron nyan)
___________________________________________________________________

Pauwi

Kailangan ko umuwi ng Maynila kasi kailangan ko mag-enrol. hehe. Para makauwi, dapat akong sumakay ng isang tricycle, isang dyip na byaheng Alabang, bus na byaheng Lawton at isang dyip ulet papunta sa bahay namin.

Sa loob ng Bus [Byaheng Lawton]

Naghihintay ng pasahero ang bus na nasakyan namin. Kaunti na lang at malapit ng mapuno ang bus. Habang naghihintay, isang maaksyong eksena na ang sumunod..

**Start

Trapik Enporser: Abante na. Abala kayo e.

Manong Drayber: Aalis na.

(Sabay abante, tapos hinto ulet dahil may sumakay na pasahero)

Trapik Enporser: Sabing abante na e. Gusto niyo abalahin ko kayo?

(Walang sinabi si manong drayber, umabante ng konti)

Trapik Enporser: Ano? Aabalahin ko talaga kayo, mga p******** talaga kayo. Abante.

(Sinusundan talaga ni T.E si M.D, ang lupet. Motor laban sa Bus. haha)

Manong Drayber: Nagbabayad kami dito tapos pipilitin niyo kami paalisin. Mga g***.

Trapik Enporser: E g***, doon kayo nagbabayad, doon kayo magreklamo.

(Nagkasagutan na ang dalawa, ang lupet talaga)

Manong Drayber: Dito ka sa gitna humarang para makita natin ang tapang mo.

(Daldal ng daldal si T.E., pero takot namang humarang sa gitna. Takot atang masagasaan. hehehe.. comedy)

Manong Drayber: Dito ka nga. Halika dito sa gitna.

(Kinuha na ni T.E yung walkie-talkie niya. Tinimbrehan siguro ung ibang kasama. Naghagilap ng kadamay?? hehe)

Manong Konduktor: Abante na, puno na tayo.

(Sa wakas umabante na din ng tuluyan ang bus, pero meron na palang naka-abang na isa pang T.E sa dulo)

Trapik Enporser2: Tarantado ka ah.

(Sabay ambang na babatuhin ng malaking bato si M.D. Si M.D at M.K wala ng pakialam. hehe)

Manong Drayber: Mga g***, matatapang lang kayo kasi nakauniporme kayo.

**End

Ang lupet!!!! parang eksena talaga sa pelikula ang nasaksihan ko. Astig si manong drayber kasi lumalaban sa mga abusong trapik enporser. Hindi nagpapaapi. hehe. Tama naman siya eh, yung ibang mga pulis at trapik enporser e ginagamit lang nila yung uniporme nila para mangotong at katakutan sila. Astig talaga si manong drayber.

Dyip Part 2 [Byaheng Bayan-Beata]

Eto na ata ang pinaka-ayaw kong eksena. (di dahil sa ako ang bida.. hehe) Madalas akong umupo sa gilid ng dyip, malapit sa labasan para madaling makababa. Pito palang kaming nakasakay, sabog-sabog kami, may katabi ako, yung isa malapit kay manong drayber, yung iba naman nasa gitna. labo-labo. Nagbayad ako.

**Start

Ako: Bayad po.

(Walang pumansin sa akin, parang walang nakarinig)

Ako ulet: Manong bayad po, PAKI-abot naman po yung bayad.

Aling Ewan na Bruha: Walang mag-aabot ng bayad mo.

(Sabi ba naman ng halos katabi ko. grrrrr.)

**End


Sa isip-isip ko, "Bakit wala po ba kayong kamay para iabot ang bayad ko." Magkalapit lang naman kami ng upuan, at malapit lang din naman siya sa aabutan niya ng bayad ko. Tiningnan siya ng iba pang mga pasahero, marahil nainis din sila dun sa aling bruha. Masyado naman kasi siya, e kung hindi din kaya iabot ang bayad niya?? ano kaya ang mararamdaman niya??. Kainis talaga.

Mabuti na lang at iniabot ni kuya ang bayad ko, kung sino pa yung nasa dulo siya pa ang nag-abot.

Eksenang D' Best

Bababa na si Aling Ewan na Bruha. "PARA!!" Hindi narinig ni manong drayber. "PARA HO". Hindi parin narinig, at ayaw magsabi ng ibang pasahero na merong bababa, mas lalo na ako, bahala kang hindi makababa. hehe. "PARA!!!!!!!!" Sabay stop. hehe, sa wakas narinig siya ng drayber. Super layo naman ng binabaan niya sa dapat niyang babaan, buti nga. Maglakad ka ulet.

Bilis talaga ng KARMA!! Digital. hehehe..